Image and video hosting by TinyPic Image and video hosting by TinyPic Image and video hosting by TinyPic Image and video hosting by TinyPic Image and video hosting by TinyPic Image and video hosting by TinyPic Image and video hosting by TinyPic Image and video hosting by TinyPic




VOTE FOR KIMXI in “Best of 2013: PEXers Choice Awards”!

Come on guys, let’s do this pordalab :D

http://www.pinoyexchange.com/bestof/2013/





Cute cute @superchonggo 😍 #enchongdee #ethan #inakapatidanak #screencaps #ethancastillo





@teamkimxi @xianlimm @chinitaprincess #celiam convo while eating. #kimxi #celyn #liam #kimchiu #xianlim #inakapatidanak #screencaps #celynmarasigan #liamlagdameo





@teamkimxi @xianlimm @chinitaprincess #celiam #kiss galore last night 💋😘#kimxi #kimchiu #xianlim #inakapatidanak #celyn #liam #screencaps #celynmarasigan #liamlagdameo





Ina Kapatid Anak | 05-06-13 | MON | CELIAM Scenes w/ Transcript

Note: I did not include the ones with Margaux :))

- - - - - CELYN’S OFFICE - - - - - 

image

Liam: Celyn..
Celyn: Liam..
Liam: Celyn, sorry sa mga sinabi sayo ni Mommy kanina.
Celyn: Ok lang. Inaasahan ko naman talaga to eh. Pagakatapos nung nangyari noon, hindi ko naman inaasahan na mabilis akong mapapatawad ni Tita Martina.
Liam: Celyn, nagkausap na kami and I promise you hindi na ulit mangyayari yun.
Celyn: Pero hindi mo naman mababago yung nararamdaman niya, hindi ba?
Liam: Siguro hindi pa ngayon. Pero once makita niya kung paano mo ako napapasaya, I’m sure she will come to her senses.. I promise.
Celyn: Liam, eto na yung kinakatakot ko eh.. ang mag-away kayo ng Mommy mo. Kahit naman anong gawin mo, nanay mo pa rin siya at alam ko kung gaano ka kahalaga sa kanya.
Liam: Celyn, tayong dalawa lang ang nasa relasyon na to. Ang importante, yung mahal natin ang isa’t isa.

image

Celyn: Kakayanin naman natin ito, hindi ba?
Liam: Celyn, walang makakasira sa ating dalawa..ok?

- - - - - - MEMORATA PARKING LOT - - - - - 

image

Celyn: Liam, hindi mo naman ako kailangang ihatid gabi-gabi eh.
Liam: Syempre dapat. I wanna be with you for as along as I can.
Celyn: *chuckles a bit* Alam ko ikaw napaka-keso mo noh?
Liam: Kaya mo nga ako nagustuhan diba?
Celyn: *chuckles a bit again* Ang yabang mo.. halika na nga.
Liam: Alam mo, ang saya-saya ko ngayon dahil alam kong kasabay na kitang maglakbay sa buhay.
image
Liam: Celyn, mahal na mahal na mahal kita..alam mo yun?
Celyn: Liam, mahal na mahal na mahal na mahal din kita.
Liam: *steals a kiss from Celyn*
Celyn: Ay! Ano baaa.. :)) Halika na nga.
Liam: Tara!

- - - - -  APOLINARIO RESIDENCE - - - - - 

image

*Celyn and Liam arrive at the house*
Liam: Good evening po.
Teresa: Good evening. Tamang-tama.. naghahanda kami. Kumain na kayo dito.
Oscar: Liam, malimit mo kasing hinahatid si Celyn eh.. mayroon ba kaming dapat malaman?
Teresa: Ikaw..napakachismoso mo. Kararating lang nung mga tao.. napakamalisyoso.
Liam: Ay naku. Ok lang pong magkaoon ng malisya.
Teresa: Ano?!
Liam: Uhhh.
Celyn: Uhh.. kasi Nay.. uhh.. Nay.. kami na ho ni Liam.
Tere: ANO?!
Celyn: Ay Nay.. sandali, puro na lang po ‘ano’. Pasensya na po kayo kung hindi ko po nasabi kaagad kasi masyado pong maraming nangyayari sa pamilya natin eh.
Liam: Aling Teresa, gusto ko lang pong malaman niyo na.. aalagaan ko po si Celyn.
Lolo Zac: Aba eh dapat alagaan mo.
Teresa: Hoy.. ikaw Liam ha. Binabalaan kita.
Liam: Aling Teresa, wag po kayong mag-alala. Nandito lang po ako palagi para kay Celyn.
Teresa: Oh siya.. Pogi, welcome to the family! Celyn: Yay! Oh group hug tayo. Dali!

image

Celyn: Na-corner ka ba ni Tatay Zac?
Liam: Hindi naman. Nag-usap lang kami.
Celyn: Liam, maraming salamat ha.
Liam: For?
Celyn: Kasi nakikita ko kung paano mo sinusubukan na mapalapit sa pamilya ko.
Liam: Celyn, hindi naman magtatagal eh..pamilya ko na rin sila eh.
Celyn: *chuckles* Talaga lang ah?

image

Liam: Oo. I just wanna let you know na.. nandito ako ng pangmatagalan. Ok? :)
Celyn: Gaano katagal?
Liam: Sabihin na natin na.. forever.
Celyn: Totoo? :)
Liam: Oo forever!
*After they hugged*
Celyn: Mag-ingat ka pauwi ah.
Liam: Mmm.. *nods*

- - - - - THE NEXT DAY AT APOLINARIO RESIDENCE - - - - - 

image

Liam: Good morning! *kisses Celyn on the cheek* Let’s go?
Celyn: Tara..
…. and then may umepal :|

- - - - - LIAM’S CAR - - - - - 

image

Celyn: *noticed Liam was smiling* Oh Liam..bakit?
Liam: Wala lang. Naalala ko lang dati.. nung palagi tayong apat magkakasama. Good ol’ days.
Celyn: Oo nga eh. Lagi mo nga akong hinahatid nun sa bahay. Alam mo.. pakiramdam ko nun, driver na kita eh.
Liam: Ang daming memories nga nung kotse na yun. Diba dun tayo naging magkakaibigan? :)
… then may umepal ulit :|

- - - - - MEMORATA CAFETERIA (?) - - - - - 

image

Liam: May plans ka na ba ngayong weekend?
Celyn: Uhh hindi ko pa alam eh.
Liam: Oh sige.. ako ng bahala para sa first official date natin.
Celyn: Alam mo Liam, hindi ko alam kung sweet ka ba talaga o corny.
Liam: Bakit..hindi ba pwedeng pareho? Oh sige, ganito na lang. Sabihin mo na lang na..ako ang best boyfriend in the whole wide world. Yun na lang.
Celyn: Oh sige..ikaw na.
Liam: Alin? Gusto kong marinig. Ang alin?
Celyn: Na ikaw ang best.. ok na?
Liam: Oo. Yung isang buo?
Celyn: Ayoko na hehe.
…. epal ulit yung isa.. :|

- - - - -  MEMORATA PANTRY (?) - - - - - 

Liam: Bakit kanina ka pa tahimik dyan?
Celyn: Pakiramdam ko kasi..buong araw nating kasama si Margaux.
Liam: Nagseselos ka?
Celyn: Hindi. Pakiramdam ko lang..bawat galaw natin, nandun siya. Bawat galaw natin, sasama siya.
Liam: Celyn, I’m sorry.
Celyn: Alam mo naman yung nararamdaman niya para sayo hindi ba?
Liam: Celyn, nag-usap na kami ni Margaux at klaro sa kanya na magkaibigan lang kami. Pero..I can’t just abandon her like that.
Celyn: Hindi naman yun yung ibig kong sabihin. Hindi ko naman sinasabi na pinagbabawalan kitang makasama siya. Pero..ewan ko. Liam: Alam mo yang si Margaux..mula nung pagkabata, magkasama kami. Mula noon, I saw how lonely she was..how alone she felt.

image

Liam: Pero Celyn, etong tandaan mo.. magkaibigan lang kami ni Margaux at ikaw ang mahal ko. Sana you believe me. 

- - - - - - MEMORATA SA MAY ELEVATOR - - - - 

Liam: Celyn..
Celyn: Oh Liam.. bakit nandito ka?
Liam: Eh hahayaan ko bang umalis ka ng hindi pa ako nakakapagpaalam sayo?
Celyn: Ikaw talaga.. para namang matagal akong mawawala. Eh magkikita naman tayo bukas diba?

image

Liam: Kahit na. Yung goodbye kiss ko?
Celyn: Anong goodbye kiss?
Liam: Goodbye kiss. *points to his cheek*
Celyn: Sige na nga. *kisses him on the cheek*
… then may umepal saglit

image

Celyn: Sige na..
Liam: Sige, una na ako ah.
*appears to leave but then suddenly plants a kiss on Celyn’s forehead*
Celyn: *chuckles* Sige na..
Liam: Una na ako?
Celyn: Sige..ingat ka.
Liam: Ok ka na?
Celyn: Mmm *nods*
Liam: Sige ah.. *waves*
Celyn: Sige na.. bye. Ingat.





Ina Kapatid Anak | 05-03-13 | FRI | CELIAM Scenes w/ Full Transcript

Dahil bored ako at sinisipag, here are some screencaps of CeLiam scenes (highlights only, I didn’t include some scenes like the one they had with Martina at the office) with transcript of dialogue. Also highlighted my fave lines. Pagpasensyahan if may errors sa lines or something. I tried my best :)) I hope I could do this as often as I could. Anyway, here you go! :)

- - - - -  POLICE STATION - - - - - 

image

Liam: Celyn, halika.. hatid na kita.
Celyn: Liam, pwede bang sa mansyon mo na lang ako ihatid? Kailangan kong kausapin si Mommy.
Liam: Sige.
Celyn: Tara.
Liam: Celyn..
Celyn: Bakit?
Liam: Nasabi ko na nga pala kay Margaux yung standing natin.
Celyn: Ano? Liam.. sana hindi muna ngayon.
Liam: Celyn, wala namang tamang panahon diba? Yun yung nangyari sa atin noon. Natakot tayo.
Celyn: Pero Liam, alam mo naman yung pinagdadaanan naming problema hindi ba?
Liam: Celyn, alam ko at nandito ako para maging karamay mo. Wag kang matakot.
Celyn: Pero Liam, natatakot ako eh.
Liam: Wag kang mag-alala. Nandito lang ako.

- - - - - OUTSIDE MARASIGAN RESIDENCE - - - - - 

image

Liam: Celyn!
Celyn: Liam.. anong ginagawa mo dito?
Liam: Sinusundo ko yung girlfriend ko. *holds Celyn’s hands* Celyn, I know this is not the perfect timing.. pero I promise you, we’ll get through this.
Celyn: Pangako, Liam? Minsan na akong nasaktan. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ulit.

image

Liam: Celyn, hindi ako si Ethan. Hindi mo kailangang pagdudahan yung nararamdaman ko para sayo.

- - - - - POLICE STATION - - - - - 

image

Liam: Okay ka lang?
Celyn: Magiging okay pa ba ako, Liam? Kami?
Liam: Sumusuko ka na ba?
Celyn: Hindi pwede, Liam. Kahit mahirapan ako, gagawin ko ang lahat magkaayos lang kami. Kahit alam kong mahirap, hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa.

Read More





@teamkimxi @xianlimm @chinitaprincess “Masaya akong kasama ka” #inakapatidanak #kimxi #kimchiu #xianlim #screencaps #celiam #celyn #liam #celynmarasigan #liamlagdameo





@teamkimxi @xianlimm @chinitaprincess “Salamat dahil andyan ka pa rin para sakin” #inakapatidanak #kimxi #celiam #kimchiu #xianlim #celyn #liam #screencaps #celynmarasigan #liamlagdameo





WHEN A FAN GIRL VENTS OUT : Ina Kapatid Anak.. What's in a Teleserye?

THIS! This blog entry is hilariously true! Lahat ng sentiments, comments, hinanakit, disappointments, etc about the soap.. andito! And I must say, her delivery was very entertaining and pak na pak lang ang mga sinabi niya. 

MUST READ! 





@teamkimxi @xianlimm @chinitaprincess #Celyn: Ikaw ang kasama ko noon. #inakapatidanak #kimxi #kimchiu #xianlim #liam #screencaps #celiam #celynmarasigan #liamlagdameo





1/31 »